The Reproductive Health Bill: A Religious Debate?

Posted: September 19, 2008 in commentary
Tags:

Last Tuesday, reports say that the debate on the Reproductive Health Bill has started in the House of Representatives. Pro- RH supporters attended the hearing as well as the anti-RH supporters who were identified to be members of the CWL (an all-women religious group).

One of the leaders of the Anti-RH camp, leader of the CWL, and wife of a known high-ranking government official was interviewed on TV. What she said really got me howling, I almost fell off my seat. She said, among others, that the RH bill is not pro-life, and that (get this) “it provides a venue for SIN.”

There people. She said it with all the conviction she mustered, her face grim and a bit flustered.

How come a bill, such as the RH bill can make people, specifically WOMEN, so angry they become vanguards of propriety? What’s with the RH bill that it makes people become dumb enough to resort to invoking moral laws and making religion as basis for argument?

Is the RH bill becoming more like a religious debate than a legislative one?

Is being given the rights to your body, specifically your own reproductive organs and processes, one of the basic human rights, a sin now?

And to think there’s nothing in the bill (if the person actually read the entire transcript) that particularly implied or directly point to committing a crime.

What is ironic is that aside from the RH bill becoming a religious debate, it has also become an arena for women to battle against each other, recalling Barbara Kruger’s famous artwork “My body is a battleground.” Men (straight and gay) have also much at stake in this debate. Or are they taking the fencesitters’ stance (as usual) when it comes to reproductive health? So typical indeed.

Comments
  1. karendimalantacortez says:

    NO to REPRODUCTIVE HEALTH BILL!!! may natural way po to prevent pregnancy. dapat nating tandaan na ang pagbubuntis po ay di isang sakit na dapat iwasan, ang ovulation po ay di rin isang sakit na dapat pigilan. natural po lamang ang ovulation, ang dapat po dito ay alamin kung kelan ito nangyayari, kami pong mag-asawa ay volunteer teacher ng natural family planning, handa po kaming magturo nito sa kahit kanino, ano man ang iyong katayuan sa buhay, ano man ang antas ng iyong pinag-aralan. ito po ay libreng pagtuturo at pag-aaral. kami po ay nakalaan upang magturo nito ng walang bayad. ang atin pong simbahan ay di ninais na tayo po ay mapahamak, gaya ng ating mga magulang na walang sawa sa pangangaral sa mga anak sapagkat ayaw natin silang mapahamak. ganun din po ang simbahang katolika, na laging nandiyan upang manguna at mangaral. di po namin sinasabi na dapat lang na magparami o mag-anak lang ng mag-anak, ang pag-aanak po ay may kalakip na responsibilidad ang parehong magulang. wag po nating i-bombard ng artificial contraceptive ang ating mga kababaihan sapagkat may natural na paraan kung saan dapat malaman ng mag-asawa kung kailan dumarating ang ovulation ng asawang babae, sa pamamagitan nito ay mapipigilan ang pagbubuntis. ang ovulation po ay kusang nangyayari, gaya ng bulkan na kusang sumasabog sa takdang panahon na di kayang pigilan ng tao. ang artificial contraceptive po ay susubukang pigilan ang ovulation, ngunit sa marami at madalas na pagkakataon ay di niya ito mapipigilan sa kadahilanang ito nga ay natural na mangyayari sa kababaihan, dahil di niya ito napigilan ang susunod niyang gagawin ay ang padulasin ang endometrium lining ng sa ganun kapag may nangyaring fertilization ay di ito mag-iimplant sa endometrium lining sapagka’t ito ay pinadulas na ng artificial at susunod ay mahuhulog na ang sanggol sa sinapupunan, na di pa man naisisilang ay binawian na ng karapatan upang mabuhay. kung ang sariling ina o ama ay kayang gumawa nito sa kanyang anak paano pa kaya niya ito di magagawa sa kanyang kapwa. sana po ay may natutunan tayo. u can contact us at 09204763227 karen (free teaching of nfp)

  2. Reynor says:

    Yes, it is a legislative debate but one that steps on our religious freedom and basic rights (e.g. to exercise what we believe is morally right based on our religious belief, the right to educate our children, the right to decide how big our family is, etc).

    The Rh Bill is “…giving into the hands of public authorities the power to intervene in the most personal and intimate responsibility of husband and wife.”

    Let us not forget that contraceptives are already available, is there really a need for a mandate to have all citizens responsible for its distribution even to those who religiously believe that they are morally wrong?

    I say, instead of free condoms and pills, why not free antibiotics, free milk for babies, free natal care, etc…

  3. kiko says:

    Bakit Mahalaga sa Amin ang Reproductive Health?
    Mga Kwentong Buhay ng mga Ordinaryong Taong Tumuntong sa Kongreso

    Sa mga nagdaang talakayan ng mga mambabatas kaugnay sa Reproductive Health, Responsible Parenthood and Population Management Bill o HB 5043, maraming mga ordinaryong kasapi ng komunidad ang masugid na sumubaybay dito. Narito ang mga salaysay ng ilan sa kanila—kababaihan at kalalakihan ng Malabon, kasama ang kanilang buong pamilya—kung bakit mahalaga sa kanila ang reproductive health.

    Si Eliza Patricio ay may 8 anak at 2 apo. Paglalagay ng yelo sa isda sa fish port ng Navotas ang trabaho ng asawa niya. Dahil sa kagustuhang matigil na ang kanyang pagbubuntis, ninais ni Eliza na magpatali (Bilateral Tubal Ligation). Nahirapan siya na kumbinsihin at papirmahin ang asawa sa consent form para magawa na ang operasyon. Iba’t ibang pamamaraan na ang kanyang ginawa para makumbinsi ang asawa na pumirma.

    * * *

    Isa si Rosela Mahinay sa masigasig na sumama sa bawat lakad sa Kongreso kahit na may inaasikaso pa siyang anak na may problema sa pag-iisip. Dama ni Rosela ang hirap sa pagbubuntis at panganganak. Nakikita niya rin sa kanilang komunidad ang iba’t ibang klase ng kumplikasyon na nararanasan ng mga babae bunga ng hindi planadong pagbubuntis.

    * * *

    Sina Lola Maria Gabrinao, Lola Leonisa Pacala at Lola Adoracion Marin ang tinaguriang “Tres Marias” na tagasuporta sa RH Bill. Si Lola Maria ay may 8 anak at 20 apo. Madalas, si Lola Maria ang nag-aalaga ng maliliit na apo niya sa panahon na nagtatrabaho ang kanyang mga anak. Si Lola Leonisa naman ay 76 anyos, 9 ang anak at may 32 apo. Tulad ni Lola Maria, ramdam din niya ang hirap ng buhay sa pagpapalaki ng kanyang mga anak at apo. Si Lola Adoracion ay 64 anyos na, 3 ang anak at 3 ang apo. Maliit ang bilang ng pamilya ni Lola Adoracion. Palaging ipinaiintindi ni Lola sa kanyang mga apo ang kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya upang mas maayos at maunlad ang takbo ng buhay. Sila Lola Maria, Lola Leonisa at Lola Adoracion ay matapang na naninindigan sa pagsuporta sa pagsasabatas ng RH Bill. Madalas nilang sabihin na hindi lang pangkabataan ang usaping ito. Maging silang mga may-edad na ay nagpapahalaga sa kalusugang pangreproduktibo dahil tulad nila, may pangangailangan din sila sa usaping ito.

    * * *

    Mahalagang maipaglaban ng kababaihan ang kanilang mga karapatan lalo na sa usapin ng katawan. Ito ang katwiran ni Shirley Quitlong, 52 taong gulang, may 5 anak at 5 apo. Sa kabila ng tindi ng pangangailangang mabuhay, pansamantalang nagsasara ng tindahan ng ulam si Shirley upang isigaw at ipaglaban ang kaniyang karapatan kaugnay sa kalusugang pangreproduktibo.

    * * *

    Ang buong pamilya nina Oscar at Merlita Ala ay laging sumasama sa Kongreso sa pagsubaybay at pagsuporta sa panukalang batas kaugnay sa Reproductive Health. Para sa kanila, usapin ito ng buong pamilya na kailangang pagtuunan ng pansin at itaguyod. Mahalaga na napag-uusapan ang mga ganitong usapin sa loob ng kanilang tahanan. Naniniwala sila na ang mga magulang ang pangunahing tao na dapat na nagsisimula sa pagtalakay ng mga ito. Ngunit, napakahalaga sa kanila na may mga institusyong sumusuporta sa tama at naaayon sa edad na pagtalakay sa usaping pangreproduktibo ng kanilang mga anak.

    Mothers Organization for Total Health, Education, Research and Services (MOTHERS)
    Kaunlaran, Kapayapaan at Katarungan para sa Kabataan (3K)
    Lot 3, Block 13, Phase 2, Paradise Village
    Letre, Tonsuya, Malabon City
    Tel. No.: 288-79-81

  4. kiko says:

    heto pa ang kwento:

    Isang Linggo ng Determinasyon sa Kabila ng Diskriminasyon sa Kongreso
    Mga Karanasan at Kwento ng Kababaihan at Kalalakihan ng Maralitang Komunidad

    Ang sumusunod ay mga salaysay mula sa Apelo Women’s Health Association (AWHA) at Boses ng Kabataang Pilipino (BKP) batay sa pitong araw nilang pagsubaybay sa deliberasyong plenaryo ng Kamara de Representante tungkol sa Reproductive Health, Responsible Parenthood and Population Management o HB 5043. Ang AWHA at BKP ay mga samahan ng kababaihan at Kabataan sa Pasay City na sumusuporta sa reproductive health.

    AKO SI GINA Conde, bilang kinatawan ng samahan, naobserbahan ko ang pagkakaroon ng diskriminasyon ng mga kawani (guard) ng HOR. Kapag ang pumapasok ay mga madre, mga worker ng simbahan, guro kasama ang kanilang mga estudyante, walang masyadong tanong at madali silang nakakapasok kahit pa huli silang dumating.

    Kahit sa paggawa ng ingay, sa pagpapakita ng emosyon, sa pagpalakpak, hindi sila sinasaway ng mga bantay. Kapag kagalang-galang ang kasuotan, makikita mo ang respetong pagtrato sa kanila na hindi namin naranasan minsan man.

    Isang halimbawa ang pangyayari noong September 17 sa 2nd floor North Wing Gallery na hindi ko malilimutan. May dalawang hilera ng upuan sa unahan ang nabakante dahil sa pag-alis ng mga estudyante. Pinalipat ng guard ang mga tao. Nang makalipat na ang mga tao biglang bumalik ang mga umalis kung kaya’t nagkaroon ng konting ingay o bulungan. Nagulat na lang kami nang biglang sumigaw ang guard at pinatatahimik kami na parang ang sinasaway ay mga batang paslit. Sa pagsigaw na iyon, biglang nagkaroon ng katahimikan subalit patuloy sa pasigaw na pagsasalita ang guard at kung anu-ano ang sinasabi. Hindi ako nakatiis at sinabihan ko siya na Kuya, ‘wag naman ganyan ang pagsaway. Hindi kami mga batang paslit. Tao kami na dapat din namang igalang. Sa ginawa kong yun, napagsabihan pa ako na, “Tatandaan ko ang pagmumukha mo!” Grabe! Nagtatrabaho lang sila sa loob ng Kongreso, ‘kala mo kung sino na.

    * * *

    ANG MAG-ASAWANG FEBRY Fabella, 22 taong gulang at Joey Galicia, 23 taong gulang na may isang anak ay kasama sa mga naniniwala na malaking tulong sa kanila ang Reproductive Health Bill. Dahil sa mithiing maipasa ang bill, ang nag-iisa nilang anak na tatlong taong gulang ay iniwan sa kapitbahay upang pumunta sa Kongreso. Nalulungkot silang mag-asawa at nagagalit sa guard na nagtanong sa kanila kung magkano ang bayad sa kanila. Sinagot ni Joey ang guard na, “Manong, ang pagpunta po namin dito ay kusang-loob at walang kapalit kahit na singko sentimos. Katunayan, ako po ay may trabaho. Nagpaalam ako sa amo ko na hindi muna papasok sapagkat nais kung ipakita ang suporta sa Reproductive Health Bill. Kailangan namin ito para mapagplanuhan nang maayos ang aming kinabukasan at para ito sa misis ko.”

    * * *

    SI ALING LINDA Unlayao, 67 taong gulang, residente ng Apelo Cruz, Pasay at kasapi ng AWHA, ay kabilang sa pumunta at nagpakita ng suporta sa RH bill. Sabi niya sa amin, “Sa 7 araw na pagpunta ko sa Kongreso ay labis ang ginaw na naramdaman ko sa loob. Maya-maya akong umiihi. May mga pagkakataon na nahihirapan ako sa pag-akyat sa hagdan pero oki lang! Pag naipasa ang panukala, ito ang magandang pamana ko sa aking mga anak at apo.”

    * * *

    MAY MGA KASAMA rin kaming mga estudyante. Isa na si Carmela Verso, edad 16, 4th year high school. Sabi niya sa nanay niya, “Ma, paano naman maipapasa ang bawat bill? Hindi naman nakikinig ang mga kongresista, lakad sila nang lakad at nagdadaldalan.

    * * *

    GANON DIN ANG obserbasyon ng asawa kong si Luis Conde sa dalawang beses niyang pakikinig sa RH hearing. Sabi niya hindi magandang halimbawa ang ginagawa ng mga kongresista. May mga kabataan at estudyante pa namang pumupunta at nag-oobserba rito. Late silang dadating at uuwi agad kahit hindi pa tapos ang session. May palakad-lakad, lalabas at magdadaldalan. Pinagsasabihan ang mga tao na ‘wag maingay pero ang mga kongresista ang malalakas ang boses. Paano mapag-uusapan nang maayos ang batas kung ganyan ang kanilang gagawin? Tulad noong September 30, humirit na naman ng rollcall ang mga anti-RH bill. Kung hindi magko-korum, suspended na naman ang pagdinig. Sayang ang ipinasusweldo sa kanila.

    * * *

    Ang mga kwentong ito ay ilan lamang sa mga karanasan ng mga nagsipagpunta sa Kongreso. Kung magagawa lamang naming kausapin ang lahat ng aming mga kasama, malamang hindi lang ito ang maisusulat na mga karanasan.

    Kami sa AWHA at BKP ay nananawagan na bigyang pansin ang mga tunay na karanasan naming mamamayan sa pitong araw na pabalik-balik sa Kongreso upang dinggin ang deliberasyon ng Reproductive Health, Responsible Parenthood and Population Management o HB 5043. Huwag sanang ipagwalang bahala ang obserbasyon ng kababaihan, kabataan at maging ng kalalakihan sa patakarang nagaganap sa loob ng Kongreso.

    Apelo Women’s Health Association (AWHA)
    Boses ng Kabataang Pilipino (BKP)
    704 -A52 Apelo Cruz St.
    Brgy. 157 Zone 16, Pasay City
    Tel.no. 853-74-30

  5. Reynor says:

    Kiko, to us who are against the bill, we are not against helping the people, we are against on issues that forces us to do what we think is morally wrong.

    If the state would like to make it available and promote what we think is immoral then do so but do not force us into doing the same.

    The bill takes away our freedom to decide what is an ideal size of our family, it invades the privacy of husband and wife, it takes away from the parents the freedom to educate our own children, takes away our freedom to rear our children in what we believe is the moral and ethical, etc…

    Just as you or others have the freedom to receive what they are offering, we, too, should have a freedom to refuse. The bill simply doesnt allow us to refuse, it doesnt allow us to live our lives in what we think is the moral and ethical way of living. That is not acceptable.

  6. Reynor says:

    Maybe we should take a second look and remind ourselves what the constitution states.

    SEC. 3.
    The State shall defend :
    (1) The right of spouses to found a family in accordance with their religious convictions and the demands of responsible parenthood;

    source: http://www.gov.ph/aboutphil/a15.asp

  7. tikasan au c sir xa negative side pa yud meh kai tikes au 4th yr ang nag toss xa coin

  8. mnsdj says:

    kailangan natin mag karoon nang maganda pamumuhay para maging masaya ang mundo
    at mag tamon nang maayos sa tamang lugar

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s